Ang Alamat ng Pag-Ibig
Dito sa Amianan, kung saan ang itim ay isang kulay na ipinagbabawal, nakatira ang mga diwata at mga engkantong anak ni Inang Daigdig. Sila ay may tatlong tuntunin
Maysa: Ang lahat ay nararapat ng gawin ang kanilang bahagi ng mga gawain na iniatas ni Ina
Duwa: Ang lahat ay nararapat na magbigay-buhay, manggamot, at magligtas sa kanyang kapwa.
Tallo: Ang lahat ng naninirahan sa Amianan ay mananatili dito at kailanma'y di makikisalamuha sa sinumang hindi taga-rito.
Dito sa Kangisitan, kung saan itim at puti lamang ang makikita, nakatira ang mga taong iniligtas ng Ina mula sa lason ng Mariknam, isang sumpa ng pagkasakit na nakukuha sa pagkakaroon ng pisikal na pakikisalamuha sa mga nilalang sa Amianan dahil ang kapangyarihan ng mga ito ay hindi kakayanin ng isang ordinaryong nilalang. Sila ay patuloy na namumuhay ngunit walang ni-isang pakiramdam ang dumadaloy sa kanilang mga ugat.
Ang pinakamatandang anak ni Ina ay si Luntian, ang nagpapatakbo ng mundo. Pangalawa naman ay si Alil na siyang katiwala ng hangin at ang nagsisilbing mata ni Binias na siya namang katiwala ng oras.
Isang araw, habang nangingisda si Quitaem, aksidente niyang natamaan ng sibat ang lagusan papunta sa Amianan.
Sa labis na pagkatakot sa nakitang kulay ng mga bagay sa kanyang kinaroroonan, siya ay umakyat sa isang puno upang maging ligtas sa anumang nilalang na maaring makasakit sa kanya. Ang magkapatid naman ay naglalakad patungo sa gubat upang magpahinga sa ilalim ng mga puno. Sa kanilang paglalakad, nagulat si Alil sa kanyang nakita.
Agad na pinuntahan ni Alil si Luntian upang tanungin kung ano ang dapat gawin. Ipinagkatiwala niya kay Binias ang pagpanatili dito upang 'di makawala ang nilalang.
Mabilis naman tumugon si Luntian at sa pagmamadali ng mabigat na yapak ni Luntian, nahulog sa puno ang banyaga. Sa pagkahulog nito ay tumusok ang isang sanga sa kaniyang dibdib.
Nawalan siya ng malay at tuloy-tuloy na dumaloy sa damo ang itim niyang dugo.
Naramdaman ni Binias ang pagdaloy ng dugo kaya't itoy kanyang sinundan kahit hindi niya kasama ang kaniyang kapatid. Ginawa niya ang kaniyang tungkulin at ito ang nangyari.
Laking gulat ni Ina ang pagkawalang-buhay ng kaniyang anak. Ginawa na niya ang lahat upang hindi matulad sa kanilang Ama ang kaniyang mga anak pati na rin ang mga kapwa tao ng pumanaw na Ama. Ikinulong ng Inang Daigdig sa Purawan at nilubog ito sa Sangit sa pag-aakalang balang araw ay mabubuhay muli ang kanyang anak.
Sa sobrang galit naman niya sa lalaki ay ipinatapon niya ito sa pangangalaga ng kapatid na si Bulan na kaniyang pinalayo. Sa lakas ng daloy ng kulay na isinalin sa kanya ng diwata ay tila ba siya'y nahahatak pabalik kay Binias.
Naisipan niyang itulak si Bulan papalapit sa pamamagitan ng paglalakad at pagpapaikot dito. Lumipas ang isang daang taon bago siya nagtagumpay at umalis ang Sangit at bumukas muli ang kuweba ng Purawan. Ipinatong niya ang kamay ng diwata sa kaniyang dibdib at muling nabuhay ito.
At simula noon, ang nararamdaman nila sa kanilang mga puso ay tinawag na pag-ibig - hango sa muling pagtibok ng puso pagkatapos alisin ang tubig ng Sangit.
(Kuweba ng Purawan = Kapurpurawan, Ilocos)
* Mga salitang Ilocano na ginamit:
Maysa- isa
Duwa- dalawa
Tallo- tatlo
Binias- gold
Quitaem (kitaem)- tingnan, (English- see)
Bulan- buwan
Sangit- iyak
0 comments: