Mga Bugtong
Ang aking pusong nakasara
Ibukas mo’t, iba na ang ngalan
Umilag ka’t aking ihahampas
Sa pusod mo’y pangako di lalampas
-kamao
Isa sa silangan, isa sa kanluran
Ang pagod ng kataas-taasan sila ang pumapasan
Sila’y iyong daganan, ika’y magiginhawaan
-temples (sentido)
Pwedeng isa, pwedeng dalawa
Pwedeng pantay, pwedeng hindi
Pagpanhik nila’y may liwanag
Pagbaba nila’y may kadiliman
Sa kanila bumibisita mga aninong puno ng kulay
-eyelids (pwedeng isa=”monolid”, pwedeng dalawa=”double eyelids”)
Papasok ako sa kweba
Mula sa timog gusto kong pumunta sa hilaga
Dalawang lagusan sa dulo’y aking tinahak
Parehas lang ang kalalabasan
Tinuloy ko ang paglalakbay
Ngunit itong tulay na ito’y ibinalik ako sa aking pinanggalingan
-philtrum
Bawal kumatok
Hangin lang ang aking pinapapasok
Pag ika’y sumuway, babaligtad ang mundo, ika’y mahihilo
-eardrums
Nawawala kapag sagana
Hawak ko ang naghahawak ng naghahawak ng iyong panghawak
-collarbone
Hawak ko ang oras
Ang oras ay hawak ko
-wrist
Puno ng langit
Umusbong sa lupain
Pilit na inaani
Lalong dumadami
-uban
Umaatras peri di umaabante
Mas mabilis sa lalaki kaysa sa babae
Sa pagtanda’y di na babalik
Pwera na lang kung magtatanim ka muli
-hairline
Kampon ng kadiliman
Lagusan ng kabutihan
-pupil
Itong binhi ng kadiliman
Inaani pero di tinatanim
Mayroong kabutihang
Itinatago sa ilalim
-blackheads
Rehas na tulog
Kailanma’y di natutuyo
Lumuluhod lamang sa hangin
Ngunit sa iba’y mabangis
Ang magpipilit pumasok
Sa dilim kanyang ikukulong
-buhok sa ilong
Malaki pero maliit
Umaayon sa langit
Sa lupa’y tumatanggi
-thumb
Bubutasin bago daganan
Layunin ko’y kayo’s magsama lamang
-stapler
Itong nagsasalo ngunit kailangan din ng magsasalo,
Kapag humarap ka’y maglalaho
-pwet
Isaksak mo sa iba’y
Damay ka sa sakit
Itong sanga kong kailanmay di maalis
Maputi man o maitim
-siko
Ang hinaharap ko’y ang iyong nakaraan
Kailangan mo ng litrato upang ako’y masilayan
-nape
Hukay na hindi hinukay
Lumalabas lamang pag ang lupa ay gumalaw
-dimples
Bigat mo’y aking pasan
Sa pagpapahinga mo’y doon lamang ako masisilayan
Ihagis mo ako’t haharapin ko sinumang kalaban
-dapan
Ako’y mabuti kapag kasama ang iba
Sa aking pag-iisa ako’y masama
Ako’y luluhod, tayo’y magrak-en-rol
Kapag lumampas ka na sa kalahati, ako na ang susunod
-middle finger
0 comments: