Siasid
OhTulungan mo ako, ikaw na nasa kadiliman
Upang wala akong makaligtaan,
Dahil ang ating bayang marupok
Ay nababalutan ng kadiliman
Tinanong ko ang araw
Kapag ikaw ay lumubog,
Huwag sanang tumagal nang sobra ang iyong paglayo
Kami ay malalanta
Ngunit kung ikaw ay lumayo,
Ito'y mainam
Ikaw ay pupunta sa ikawalong antas
Upang ikaw ang makipag-usap para sa amin
Oh
Hanggang dito na lamang
Ang aking tutukuyin
Na tungkol sa kadiliman
0 comments: